July 8, 2011

happy birthday kuya mark!

happy birthday sa pinaka bago kong kuya.. kay kuya mark. salamat sa lahat.


naalala ko padin lahat ng ginawa mo.. pati pag lalabas mo ng jollibee products para samin. :)

ok?

mejo  matagal na din di nakapag post..pano tinatamad... ano ba mga ginawa ko nitong hule? wala. school. studio. tambay. gig nung july 1. sakto lang.

hindi ko alam kung ano ikkwento ko. haha! pero ngayon kasi, nakakramdam ako ng galit na nararamdaman ko rin ay unti unting nawawala habang nagtype ako. pero nanginginig kamay ko. haha! minsan lang ako makaramdam ng ganito.. kaya ko lang naman to snulat e para maalala ko sa date na to ay naramdaman ko to. minsan lang ako magalit.

gusto ko lang ilabas.... walang sense to. OK??

June 25, 2011

UMC/Fathers day

etong nakaraang lingo, naospital ang nanay ko kasi gaya nga ng nasabi ko, ooperahan sya. naging mabuti ang operation. THANK YOU LORD! thursday ng june 16 sya ng gabi dinala sa UMC. pagdating dun ay iniwan na namin sila ni dada. sila meaning si ate cristy at si mama. kinabukasan ay nagayos na naman ako ng enrollment sa cvsu (na awa ng dyos ay tapos ko na ngayon), tinetext nalang ako ni ate cristy ng updates dun sa ospital. at makatapos ang operasyon, at nasa kwarto na ulit si mama ay pumunta na kami ng ospital ni dada. meron akong kilabot na nararamdaman sa UMC pag nakikita ko ang hallways. hindi dahil sa multo stories o ano.. kasi doon ako muntikan mapasama kay lord. haha! noong 7 years old palang. naoperahan din ako. naalala ko yung nakikita ko habang iginugulong sa stretcher. bangag pa ko nun sa pampatulog. naaalala ko yung ilaw ng operating at recovery room. naaalala ko kung pano ko sinusubukan igalaw ang mga paa ko habang nasa recover room, kasi hindi ko maigalaw ang kalahati ng katawan ko nun, dahil sa anesthesia ata.. ayun. anyway, mabalik sa kwento, ayun nga.. sumunod na kami sa ospital at pagdating dun, andun na si mama at nakakain na daw sya.. andun din si ate tonet, te ynah at godric. konting bonding sa ospital at umuwi na din kame. naiuwi na si mama sa bahay kinabukasan ng gabing iyon, june 18. at pagkauwi sa bahay, ako, dumeretcho na ng tugtog sa MOB.. haha! ayos lang. masaya. andun tropa e.mejo ang wirdo lang ng tunog namin. hahaha! 

June 19. Fathers day. nagkaron ng konting salo salo sa bahay dahil nga fathers day. sumaglit din ako kina dustin kasi bday nya. kasama ko si patrick.. nagkita kami sa kanto, sa pagawaan ng bike kasi pinapagawa ko yung bike ko nun.. at ayun.. deretcho kami ng nicasia.. pag dating kina dustin ay andun si jacq. ang gelpren nya, at ipinaghain na kami ng mabuti naming kaibigan na si DUSTIN. hahaha! ano ang hinain nya? 

eto....

habang kumakain kami ni patrick ay tinawag ni dustin si edu at sinaluhan kami ni edu sa pagkain..
 eto o..


at pagkatapos kumain, tambay konti, picturan kasama si jacq, tawanan, at nauna na ko umuwi at maghahatid pa kay godric... 

pagdating sa bahay, kasi nga may salo salo din samin, kumain ulit ako.. ano kinain ko? spageti. ulet. hahahaa! kung mapapansin nyo ay may spageti din kina dustin. e ano ngayon? haha

eto naman yun.


pagkahatid kina godric, umuwi na at nagpahinga... dahil kinabukasan nun ay lunes, susubukan ko ulit asikasuhin ang enrollment (na sa awa ng Dyos ay natapos ko na.)

June 16, 2011

taropa/familia

ayos din.. nitong wed ay naggala kami ulit ng tropang alko.
kaso si tip at rainier lang ang sumama.. si rainier na ngayon ko lang ulit nakita matapos ang 6 na buwan na pagtatrabaho sa Singapore. 

alas singko kami nagkita kita sa petron imus. nauna ako dun.. bumili muna ko ng kape at chichirya habang hinihintay si nier at tip. sumunod na dumating si rainier. nagusap agad kami tungkol sa pamamalagi nya sa singapore. madami din ako nalaman. ganun pala ang buhay buhay dun. maya maya dumating na si tip na ubod ng pula ng labi. hindi ko naiwasan magtanong kung san sya nagshooting. haha!

maya maya e sumakay na kami ng bus papuntang vito cruz. niyaya ko kasi sila magsimba sa DBD. pagsakay sa bus, mejo tahimik pa. haha! maya maya paingay na ng paingay. halatang madami hindi napagusapan sa tagal ng panahon. 

pagdating sa vito cruz, nag CR muna yung dalawa sa jollibee at pagkatapos ay nilakad na namin papuntang folk arts. pagdating dun, nagsisimula na ang worship team. maya maya lamang e nagsimula na ang kwento ni pastor ed lapiz. matapos ang mensahe ni pastor, hindi ko maikakailala na siksik na naman ang utak at kaluluwa ko. feeling ko andami ko natututunan sa lugar na iyon. salamat sa Diyos. 

pagkatapos ng service e kumain kami sa KFC habang patuloy na nagkkwentuhan sa mga bagay bagay. tawanan, tawanan tawanan.... lalo na si tippy sa lahat ng korni na joke ay tumawa kahit alam nyang korni. hangang sa bus.. puro tawanan dahil si rainier, nakaupo at lapat na lapat ang likod, batok at likod ng ulo sa sandalan.. para daw nasa roller coaster. hahaha! maya maya pa, may magjowa na sobrang sweet na hindi namin talaga naiwasan bumungisngis sa likod. dahil sa pinaka likod kami nakaupo.eto o..


 mantakin mo, may magjowa, yung babae kumuha ng bulak, at ang bulak, nilagyan ng MASTER (sikreto ng mga gago... este. GWAPO) tapos pinupunasan ang muka ng boypren nya. hahahahh! sa lahat naman ng pagaaruga.. pati ba naman blackheads nya e ikaw magtatanggal....... at sa bus mo pa to gagawin??!! ahhahah!



hay nakoo.. solb din. ayos ang lakad.. paguwi ko nagbonding pa kami ng nanay ko at ate ko sa saudi through skype, ayos din.. sa kabila ng maingay at mabigat na distortion ng gitara, sa lakas ng tunog ng cymbals, drums at ng bass... lalo na sa mga naghihiyawang boses na ikinakanta ang puso nila.... nakahanap ako ng oras para makihalubilo sa ibang tao na mahalaga sakin na hindi kunektado sa eksena kung san ako nabibilang... ang mga tropa ko mula nun pa at lalo na sa pamilya. mrami pong salamat Lord sa araw na ito. SULIT!

June 14, 2011

buffering

mejo wala ako maikwento ngayon..

ano ba mga pinagkaabalahan ko nitong mga nakaraang araw?

inaatupag ko ang enrollment ko.. araw araw nalang e paisa isa ang naaacomplish ko.. lagi ako nasasaran.. bakit kanyo? e parang pila sa NFA rice lagi ang tao.. ewan ko ba! parang hindi nauubos.. may mga first year pa na kasama ang nanay.. syempre uunahin sila. haha! whoo!

may isa pang aangas angas maglakad dun.. tapos biglang galing sa likod nya, mejo malayo, may sumigaw.. NAK ANG BIMPO MO! MAGPUNAS KA NG PAWIS! hahaha! ang pagmamahal nga naman ng ina..

ooperahan ang nanay ko sa byernes.. Lord, kayo na po ang bahala.. alam kong hindi nyo sya pababayaan.

hmm... ano pa ba? nakuha na nga pala namin ang aming mga nirecord sa earbender.. AYOS! makakapaglabas na kami ng EP.. salamat sa Dyos..

yun lang, sa novel naman, may mga bagong kanta, gawa ko at gawa ni kevin.. sana makapagsession na kami ng kasama si bryan para mabuo na ang mga kanta.. mejo nakakauta na kasi ang Mangga. haha! kailangan mamiss muna namin tugtugin para next time, mas masarap..

:) yan muna... tamad post.

June 6, 2011

gig.sleep.sleep

nung byernes, tumugtog kami sa MOB. ays lang. isang buong araw na hinihintay mo lang magalassais ng hapon para magkita kita na kayo papunta gig. nauna na kami nina ben dun, ako, si ben, si kito, si patrick, si aldrin at si jhay. natrapik pa kami syempre sa aguinaldo hi-way dahil sa hindi malamang sira na ginagawa ng maynilad. :)
pagdating namin dun sa may shell. andun si junee chaka yung pinsan nya pati pala si kamil andun. nasa loob ng select. tambay muna konti. bili sa select. tas nagpaline up na kami dun sa MOB. yung ibang tropa kumain muna sa sizzling something dun malapit sa bar. habang nakatambay kami at yung iba kumakain, nagdatingan na buong tropa. 5,6,7,8,9 ang mga kinuhang slot ni ben.

umakyat na kami sa bar dahil nagisismula na pala yung gig at habang papanik ako, andun na sa may pinto ang zero46. apiran, kamustahan tas umupo na din sa loob. nakiusap si kenneth na pwede ba daw mauna na sila kasi may pasok pa ata. ok lang naman samin. di naman nagmamadali.

nauna na nga tumutgog ang zero 46 at dinedicate pa samin ang soundcheck nila dahil pinagbigyan namin na mauna sila. hahaha! ayos din talaga si kenneth. hindi maiiwasan na pagkatapos ng set nila, humihiling ang crowd ng isang stagnant song. haha! pinagbigyan nila kami at tinugtog ang kangaroo kasama si dadi mak.stagnant. astig si benedik kinikilig.

tapos ng zero, novel na, tapos thou.g, tapos sina paolo (dati naming drummer), tapos enfilade. ayos din naman ang gig. dumating din sina tantan at vanessa nun...sayang wala method.

pagkatapos ng mga tugtog e tambay saglit, bili ng inumin. at mya mya pagkatapos ng carnophage ay umuwi na din. derecho kina jerel at tumambay.

paguwi ko ng bahay, hinintay ko pa magalas otcho ng umaga bago matulog kasi kailangan ko pa magbuhat ng yelo.

at pagkatapos magbuhat. TULOG.

TULOG AKO BUONG ARAW. ni hindi na ako kumain. gising ko ata e 9pm na. hahaha! hindi pa ko kumakain at mya2, nagpabili si ate cristy ng lechong manok. sakto! pagkakain ng manok e natulog ulit ako. binawi ko nung sabado lahat ng ipinuyat ko ng 2 linggo. haha! pag gising ko ng sunday, as usual, yelo, church. paguwi kain, gitara. timpla ng effects, tas natulog na ko ng 9pm. aga no! aga ko din nagising! 2am. :|

sumobra naman sa aga. pupunta pa ko skul bukas para magenroll. whoo! sana matapos ko lahat ng gagawin bukas.

June 3, 2011

bday ni ben

onga pala. nung may 30 e bday ni benedik, ang plano nun ay magjajam tapos kanton sa kanila, eh hindi natuloy yung jam so hindi nadin dapat tuloy ang pansit kanton.

nung hapon, nagtext nalang si rex, andun daw sya kina jerel at wala si jerel nasa batangas daw. nireplyan ko. ANO GINAGAWA MO JAN? hinihintay pala nya si marvil at iinstalan ng NBA 2k11 yung laptop.
edi punta ko dun, pagdating ko dun e naandun ang isang rex na nakaupo at nagtatago sa init ng araw gamit ang parang divider. so tambay kami dun, mya mya dumating na si kevin kasi dapat may session kami, eh hindi nadin pala makakasession kasi nga nakalock bahay nina je at andun ang gitara. maya maya dumating na si marvil. nagpaemail pa sya sakin sa bahay namin at nagpainstall ng direct x. so uwi ako dala ang laptop nya at nagemail ako at naginstall. pagbalik ko dun, andun na si patrick at dadi mak. at naalala ko na bday nga pala ni ben.
tinext ko si ben kung ano plano nya, sabi nya ok na ba daw yung 20 pansit kanton at 2 manok. edi sabi ko ayos na ayos yun! hinintay lang namin si aidyn at derecho na kina ben.. andun na din si jigs. pagdating namin sa bahay nila, wala si ben. pinapasok muna kami ni te lydia dun sa may garahe nila at hintayin daw.

pagpasok namin, nakahanda na ang isang mejo mahabang lamesa na may mga upuan, edi upo muna kami, mya mya dumating na si ben at nagluto na sila ni patrick. habang nagluluto si ben at pat, may biglaang halakhakan na maririnig galing sa kusina. kami nagkkwentuhan pa din sa garahe. at ayun na. lumabas na ang bandehado ng kanton at manok. LAMON! sobrang gutom na din siguro, hindi ko na alam nangyayari sa paligid ko habang nakain. pag angat ng ulo ko, tapos na ko kumain at masakit ang tyan ko sa busog. hahaha! hindi pala namin kaya itaob ang 20 pansit kanton. hanep din naman sa dami. maya maya dumating na si kito.
tapos si aldrin at kuya jomar, tapos si bryan. at nakapagsession na din ang novel habang yung iba nagkkwentuhan. yun, puro ganun nalang nangyari
kwentuhan, gitarahan, tawanan, at eto ....




matinding laban ng NBA 2k11! haha! isa isa na din naguwian ang tropa, kami tambay saglit at umuwi na din. mahirap pala pag wala si jerel. maaga napapauwi ang tropa. haha!