onga pala. nung may 30 e bday ni benedik, ang plano nun ay magjajam tapos kanton sa kanila, eh hindi natuloy yung jam so hindi nadin dapat tuloy ang pansit kanton.
nung hapon, nagtext nalang si rex, andun daw sya kina jerel at wala si jerel nasa batangas daw. nireplyan ko. ANO GINAGAWA MO JAN? hinihintay pala nya si marvil at iinstalan ng NBA 2k11 yung laptop.
edi punta ko dun, pagdating ko dun e naandun ang isang rex na nakaupo at nagtatago sa init ng araw gamit ang parang divider. so tambay kami dun, mya mya dumating na si kevin kasi dapat may session kami, eh hindi nadin pala makakasession kasi nga nakalock bahay nina je at andun ang gitara. maya maya dumating na si marvil. nagpaemail pa sya sakin sa bahay namin at nagpainstall ng direct x. so uwi ako dala ang laptop nya at nagemail ako at naginstall. pagbalik ko dun, andun na si patrick at dadi mak. at naalala ko na bday nga pala ni ben.
tinext ko si ben kung ano plano nya, sabi nya ok na ba daw yung 20 pansit kanton at 2 manok. edi sabi ko ayos na ayos yun! hinintay lang namin si aidyn at derecho na kina ben.. andun na din si jigs. pagdating namin sa bahay nila, wala si ben. pinapasok muna kami ni te lydia dun sa may garahe nila at hintayin daw.
pagpasok namin, nakahanda na ang isang mejo mahabang lamesa na may mga upuan, edi upo muna kami, mya mya dumating na si ben at nagluto na sila ni patrick. habang nagluluto si ben at pat, may biglaang halakhakan na maririnig galing sa kusina. kami nagkkwentuhan pa din sa garahe. at ayun na. lumabas na ang bandehado ng kanton at manok. LAMON! sobrang gutom na din siguro, hindi ko na alam nangyayari sa paligid ko habang nakain. pag angat ng ulo ko, tapos na ko kumain at masakit ang tyan ko sa busog. hahaha! hindi pala namin kaya itaob ang 20 pansit kanton. hanep din naman sa dami. maya maya dumating na si kito.
tapos si aldrin at kuya jomar, tapos si bryan. at nakapagsession na din ang novel habang yung iba nagkkwentuhan. yun, puro ganun nalang nangyari
kwentuhan, gitarahan, tawanan, at eto ....
matinding laban ng NBA 2k11! haha! isa isa na din naguwian ang tropa, kami tambay saglit at umuwi na din. mahirap pala pag wala si jerel. maaga napapauwi ang tropa. haha!

No comments:
Post a Comment