June 25, 2011

UMC/Fathers day

etong nakaraang lingo, naospital ang nanay ko kasi gaya nga ng nasabi ko, ooperahan sya. naging mabuti ang operation. THANK YOU LORD! thursday ng june 16 sya ng gabi dinala sa UMC. pagdating dun ay iniwan na namin sila ni dada. sila meaning si ate cristy at si mama. kinabukasan ay nagayos na naman ako ng enrollment sa cvsu (na awa ng dyos ay tapos ko na ngayon), tinetext nalang ako ni ate cristy ng updates dun sa ospital. at makatapos ang operasyon, at nasa kwarto na ulit si mama ay pumunta na kami ng ospital ni dada. meron akong kilabot na nararamdaman sa UMC pag nakikita ko ang hallways. hindi dahil sa multo stories o ano.. kasi doon ako muntikan mapasama kay lord. haha! noong 7 years old palang. naoperahan din ako. naalala ko yung nakikita ko habang iginugulong sa stretcher. bangag pa ko nun sa pampatulog. naaalala ko yung ilaw ng operating at recovery room. naaalala ko kung pano ko sinusubukan igalaw ang mga paa ko habang nasa recover room, kasi hindi ko maigalaw ang kalahati ng katawan ko nun, dahil sa anesthesia ata.. ayun. anyway, mabalik sa kwento, ayun nga.. sumunod na kami sa ospital at pagdating dun, andun na si mama at nakakain na daw sya.. andun din si ate tonet, te ynah at godric. konting bonding sa ospital at umuwi na din kame. naiuwi na si mama sa bahay kinabukasan ng gabing iyon, june 18. at pagkauwi sa bahay, ako, dumeretcho na ng tugtog sa MOB.. haha! ayos lang. masaya. andun tropa e.mejo ang wirdo lang ng tunog namin. hahaha! 

June 19. Fathers day. nagkaron ng konting salo salo sa bahay dahil nga fathers day. sumaglit din ako kina dustin kasi bday nya. kasama ko si patrick.. nagkita kami sa kanto, sa pagawaan ng bike kasi pinapagawa ko yung bike ko nun.. at ayun.. deretcho kami ng nicasia.. pag dating kina dustin ay andun si jacq. ang gelpren nya, at ipinaghain na kami ng mabuti naming kaibigan na si DUSTIN. hahaha! ano ang hinain nya? 

eto....

habang kumakain kami ni patrick ay tinawag ni dustin si edu at sinaluhan kami ni edu sa pagkain..
 eto o..


at pagkatapos kumain, tambay konti, picturan kasama si jacq, tawanan, at nauna na ko umuwi at maghahatid pa kay godric... 

pagdating sa bahay, kasi nga may salo salo din samin, kumain ulit ako.. ano kinain ko? spageti. ulet. hahahaa! kung mapapansin nyo ay may spageti din kina dustin. e ano ngayon? haha

eto naman yun.


pagkahatid kina godric, umuwi na at nagpahinga... dahil kinabukasan nun ay lunes, susubukan ko ulit asikasuhin ang enrollment (na sa awa ng Dyos ay natapos ko na.)

No comments:

Post a Comment