June 16, 2011

taropa/familia

ayos din.. nitong wed ay naggala kami ulit ng tropang alko.
kaso si tip at rainier lang ang sumama.. si rainier na ngayon ko lang ulit nakita matapos ang 6 na buwan na pagtatrabaho sa Singapore. 

alas singko kami nagkita kita sa petron imus. nauna ako dun.. bumili muna ko ng kape at chichirya habang hinihintay si nier at tip. sumunod na dumating si rainier. nagusap agad kami tungkol sa pamamalagi nya sa singapore. madami din ako nalaman. ganun pala ang buhay buhay dun. maya maya dumating na si tip na ubod ng pula ng labi. hindi ko naiwasan magtanong kung san sya nagshooting. haha!

maya maya e sumakay na kami ng bus papuntang vito cruz. niyaya ko kasi sila magsimba sa DBD. pagsakay sa bus, mejo tahimik pa. haha! maya maya paingay na ng paingay. halatang madami hindi napagusapan sa tagal ng panahon. 

pagdating sa vito cruz, nag CR muna yung dalawa sa jollibee at pagkatapos ay nilakad na namin papuntang folk arts. pagdating dun, nagsisimula na ang worship team. maya maya lamang e nagsimula na ang kwento ni pastor ed lapiz. matapos ang mensahe ni pastor, hindi ko maikakailala na siksik na naman ang utak at kaluluwa ko. feeling ko andami ko natututunan sa lugar na iyon. salamat sa Diyos. 

pagkatapos ng service e kumain kami sa KFC habang patuloy na nagkkwentuhan sa mga bagay bagay. tawanan, tawanan tawanan.... lalo na si tippy sa lahat ng korni na joke ay tumawa kahit alam nyang korni. hangang sa bus.. puro tawanan dahil si rainier, nakaupo at lapat na lapat ang likod, batok at likod ng ulo sa sandalan.. para daw nasa roller coaster. hahaha! maya maya pa, may magjowa na sobrang sweet na hindi namin talaga naiwasan bumungisngis sa likod. dahil sa pinaka likod kami nakaupo.eto o..


 mantakin mo, may magjowa, yung babae kumuha ng bulak, at ang bulak, nilagyan ng MASTER (sikreto ng mga gago... este. GWAPO) tapos pinupunasan ang muka ng boypren nya. hahahahh! sa lahat naman ng pagaaruga.. pati ba naman blackheads nya e ikaw magtatanggal....... at sa bus mo pa to gagawin??!! ahhahah!



hay nakoo.. solb din. ayos ang lakad.. paguwi ko nagbonding pa kami ng nanay ko at ate ko sa saudi through skype, ayos din.. sa kabila ng maingay at mabigat na distortion ng gitara, sa lakas ng tunog ng cymbals, drums at ng bass... lalo na sa mga naghihiyawang boses na ikinakanta ang puso nila.... nakahanap ako ng oras para makihalubilo sa ibang tao na mahalaga sakin na hindi kunektado sa eksena kung san ako nabibilang... ang mga tropa ko mula nun pa at lalo na sa pamilya. mrami pong salamat Lord sa araw na ito. SULIT!

No comments:

Post a Comment