June 14, 2011

buffering

mejo wala ako maikwento ngayon..

ano ba mga pinagkaabalahan ko nitong mga nakaraang araw?

inaatupag ko ang enrollment ko.. araw araw nalang e paisa isa ang naaacomplish ko.. lagi ako nasasaran.. bakit kanyo? e parang pila sa NFA rice lagi ang tao.. ewan ko ba! parang hindi nauubos.. may mga first year pa na kasama ang nanay.. syempre uunahin sila. haha! whoo!

may isa pang aangas angas maglakad dun.. tapos biglang galing sa likod nya, mejo malayo, may sumigaw.. NAK ANG BIMPO MO! MAGPUNAS KA NG PAWIS! hahaha! ang pagmamahal nga naman ng ina..

ooperahan ang nanay ko sa byernes.. Lord, kayo na po ang bahala.. alam kong hindi nyo sya pababayaan.

hmm... ano pa ba? nakuha na nga pala namin ang aming mga nirecord sa earbender.. AYOS! makakapaglabas na kami ng EP.. salamat sa Dyos..

yun lang, sa novel naman, may mga bagong kanta, gawa ko at gawa ni kevin.. sana makapagsession na kami ng kasama si bryan para mabuo na ang mga kanta.. mejo nakakauta na kasi ang Mangga. haha! kailangan mamiss muna namin tugtugin para next time, mas masarap..

:) yan muna... tamad post.

No comments:

Post a Comment