June 6, 2011

gig.sleep.sleep

nung byernes, tumugtog kami sa MOB. ays lang. isang buong araw na hinihintay mo lang magalassais ng hapon para magkita kita na kayo papunta gig. nauna na kami nina ben dun, ako, si ben, si kito, si patrick, si aldrin at si jhay. natrapik pa kami syempre sa aguinaldo hi-way dahil sa hindi malamang sira na ginagawa ng maynilad. :)
pagdating namin dun sa may shell. andun si junee chaka yung pinsan nya pati pala si kamil andun. nasa loob ng select. tambay muna konti. bili sa select. tas nagpaline up na kami dun sa MOB. yung ibang tropa kumain muna sa sizzling something dun malapit sa bar. habang nakatambay kami at yung iba kumakain, nagdatingan na buong tropa. 5,6,7,8,9 ang mga kinuhang slot ni ben.

umakyat na kami sa bar dahil nagisismula na pala yung gig at habang papanik ako, andun na sa may pinto ang zero46. apiran, kamustahan tas umupo na din sa loob. nakiusap si kenneth na pwede ba daw mauna na sila kasi may pasok pa ata. ok lang naman samin. di naman nagmamadali.

nauna na nga tumutgog ang zero 46 at dinedicate pa samin ang soundcheck nila dahil pinagbigyan namin na mauna sila. hahaha! ayos din talaga si kenneth. hindi maiiwasan na pagkatapos ng set nila, humihiling ang crowd ng isang stagnant song. haha! pinagbigyan nila kami at tinugtog ang kangaroo kasama si dadi mak.stagnant. astig si benedik kinikilig.

tapos ng zero, novel na, tapos thou.g, tapos sina paolo (dati naming drummer), tapos enfilade. ayos din naman ang gig. dumating din sina tantan at vanessa nun...sayang wala method.

pagkatapos ng mga tugtog e tambay saglit, bili ng inumin. at mya mya pagkatapos ng carnophage ay umuwi na din. derecho kina jerel at tumambay.

paguwi ko ng bahay, hinintay ko pa magalas otcho ng umaga bago matulog kasi kailangan ko pa magbuhat ng yelo.

at pagkatapos magbuhat. TULOG.

TULOG AKO BUONG ARAW. ni hindi na ako kumain. gising ko ata e 9pm na. hahaha! hindi pa ko kumakain at mya2, nagpabili si ate cristy ng lechong manok. sakto! pagkakain ng manok e natulog ulit ako. binawi ko nung sabado lahat ng ipinuyat ko ng 2 linggo. haha! pag gising ko ng sunday, as usual, yelo, church. paguwi kain, gitara. timpla ng effects, tas natulog na ko ng 9pm. aga no! aga ko din nagising! 2am. :|

sumobra naman sa aga. pupunta pa ko skul bukas para magenroll. whoo! sana matapos ko lahat ng gagawin bukas.

No comments:

Post a Comment