at ang kaliwanagan ay nanggaling sa ate ko. buti nalang nakausap ko sya agad matapos ang ilang minuto pagkapost ko nung publema. laking tulong din naman talaga.
PROCESS IN YOUR MIND... ( PA-ISIPAN MO KUNG BAT NAGKAGANUN.. )
eloisa cifra: 2. PROCESS IN YOUR HEART ( GIVE CONSIDERATION, END UNDERSTAND THAT PERSONS SITUATION)
eloisa cifra: 3... LIFT IT TO THE LORD
sana hindi na masundan pa. ayoko magalit! umagang umaga! haha!
tarat mag kape!
karagdagan lang sa sinabi ni eloisa:
ReplyDeletesiguro panahon na din na tanggapin mo na hindi lahat ng sinasabi/ginagawa ng magulang mo ay tama at madalas silang nagkakamali bunga na rin sa katotohanang tumanda na sila sa ganoong paniniwala. oo, magulang sila, it should end there pero, madalas, hindi yun sapat para mapatahimik ang isip natin. ikukubli mo na lang ang hinanakit para lang bumulwak ulit sa ibang pagkakataon sa anyong mas maingay, mas nagsisiklab, mas nakaka-damage.
ang tao (magulang, anak, bata, matanda) ay may pride at yung kasalanang iyon ang pinagmumulan ng maraming pag-aaway. kase iniisip ng isa na may isang tamang bagay at lahat ay doon dapat sumunod. pero ang problema, iba-iba naman talaga tayo ng konsepto sa kung ano yung Isang Tamang Bagay na yon kaya wala pa rin katahimikan. ang pride ang nag-uudyok sa atin na pilitin ang kapwa na sumunod sa ating sariling konsepto ng tama. yun ang paraan ng kaaway. ang paraan naman ni Kristo ay maging mapagmahal, sa kanya tayo tumingin at hindi sa paligid. minsan naisip ko, nung kinukutya si Hesus ni Pilato at ng mga Centurion, nagagalit kaya sya sa loob-loob nya at nag-isip na sana'y lamunin ng lupa ang mga nananakit sa kanya? hindi di ba? kase wala ang utak nya dun sa "moment" na yun e, nandun ang puso't isip nya sa Dios Ama. doon sya nag-concentrate kase andun yung source ng lakas, andun yung solusyon.
kaya tuwing may ganyan, wag mo bibigyan ng analysis o focus ang tao na nananakit o napapainit ng ulo mo. yan ang naging problema ko sa napakatagal na panahon. ang nakikita ko ay ang kabaluktutan ng tao at hindi ang Dios; kaya naiisip kong makipagtunggali pero ang di ko alam ang katunggali ko ay ang kaaway na at hindi yung tao. at dahil spiritual level naman talaga ang warfare, syempre spiritual din ang weapon: Galatians 5:22.
yan "lang" masasabi ko.
bat ka nagbblog sa blog ko? diba may blog ka? :)
ReplyDeletepara may mag-comment naman sa blog mo.
ReplyDelete