May 29, 2011

RIRIKO MAY 28

Ayos din naman ang gig kagabi. nakakapanibago kasi hindi siksikan sa sasakyan. wala kasi ang method. may mga raket. haha! pero anyway, 8pm na ata kami nakaalis kina jerel. sabay sabay na kami umalis, pati ENFI kaso may ibang gig sila sa malate.

pinauna na namin sina ben, camille, kito at jigs. nakipagkita kami ni kevin at patrick kay bryan sa niog andun din si victor tas sabay sabay na papunta sa ririko. this time nakaheram na kami ng cymbals kay paul. isang crash ride. ayos na din kesa wala. haha!

ok naman ang set ng thou.g at novelcast kahit 10th and 11th band na. dalawang huli. e pano! late! haha!
nung pauwi na nag Mcdo pa sa imus. salamat kay jigs! haha! pagdating kina jerel andun na tropa. tambay hangang 4, tapos dumating na sina rex, azzadyn at japok galing raket. nagyaya kumain kay bekang at nakakain ng isang matinding bicol express. sarap! at nga pala, silang tatlo ay nakadilaw. ewan kung baket. tapos kumain, uwi na.

pinipilit ko matulog nung biglang wala na daw gas. ayun. buhat buhat ng tangke sa umaga. mayamaya yelo. tas tulog.

nagising nalang ako sa katok sa pinto ng kwarto ni ate cristy at pagbukas ko, derederecho sa muka ko ang tuhod ni godric. ayun na hindi na ko nakatulog dahil tinatalunan na ko sa muka, sa batok, sa dibdib. mga bata nga naman. haha! hindi pa alam ang vital parts. SAKET BAH!


nga pala.. magpopost ako tungkol sa outing namin sa batangas nung may14. mejo mahaba haba.

No comments:

Post a Comment