at nagising akong binubulyawan ng tatay ko tungkol sa kung ano anong bagay na ginawa ko ng tama. oo. ng tama! so far aminado ako sa sarili ko na wala ako nagagawang mali, pasado grades ko, nakakatulong ako tuwing umaga sa yelo. hindi naman ako umaalis, nasa kapitbahay ako pag gabi pero hindi ko tinuturing yon na ALIS. anjan lang naman ako e.
ewan ko ba.. basta! galit na galit sya sakin. tuloy tuloy na pagbubunganga na solid, sanay naman ako don kaya hindi ako nagrereak. tapos napaisip nalang ako, teka, ANO BA GINAWA KONG MALI? parang wala naman a? e bakit galit na galit sakin? kaya ako napabangon at naisipan nalang magblog. alam ko isang araw mababasa ko tong post na to at ngingiti nalang. haha!
pero sa ngayon, eto kot nananahimik. pinipilit wag sumagot. kasi kahit na ano gawin ko, hindi ako mananalo sa tatay ko. nasa ilalim ako ng bubong nya at kumakain sa palad nya, at pinakaimportante sa lahat, sinabi ng Dyos na igalang at mahalin ang magulang. hindi sinabing igalang at mahalin ang magulang kapag laging binibigay ang gusto mo.
at dapat magreflect sakin ang pagiging Kristyano. unconditional love ang binigay satin ni Lord..... pero si Lord sya e. tingin ko hindi ko naman kaya gawin yun. hindi ko kayang hindi magalit o mainis man lang. mananahimik nalang ako at magdadasal na sana, makapag pigil ako.
No comments:
Post a Comment