May 30, 2011

skul

galing akong skul para magasikaso ng kung ano ano.. may naachieve naman ako.. papabalikin pa sa june 6 para sa subjects. nga pala. magkakaron na kami ng klase sa FRC. oo. sa FRC sa may palico. sa may puregold. HAHAHANEP!

maaga ko dumating dun. mga 9.30. andun na si marvin. tas nagdatingan na tropa. sina rj, eli, joper, mae at si grace. nang makumpleto e kanyakanya nang papirma ng kung ano ano sa kung sinosino. habang nakapila kami ni eli ay may nakatabi kaming isang grupo ng babae na akala mo sa CSB nagaaral. gentoh silah magsalitaahhh. naiiwan yung huling silabol ng word sa bibig pagkatapos magsalita. hindi ko maiwasan wag matawa sa naririnig ko. sinasabihan na ko ni eli na napakawalanghiya ko daw. ahah! e nakakatawa naman talaga. basta. hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila pero may mga narinig ako na... WHUT DU YU MIIIN? TALAHGUH? A-HA-HA FUNNY KAAAH!. hindi ko maiwasan tingnan ng nakataas ang dalawang kilay. haha! akala mo sa sbarro manananghalian ang mga yun, sa karindiria lang naman dun sa may sheperd malapit sa kort. haha! tapos may narinig pa ko na, NAGINUMAN KAMI KAGUHBEH, GRABE YUNG DZHI HES HEM BLOO. gsm blue?! hahahha! eh kahit nga kung sang kanto makikita mo na iniinom yun ng mga di naman ganun kayayaman na tao. hindi naman sa pagmamayabang, hindi rin naman kami mayaman, pero bakit nga kaya may mga tao na masyadong nahhumaling sa mga nakikita nila sa TV or sa kung san man na kailangan nila gayahin. minsan kasi, hindi talaga babagay at mawawala sa lugar. :) nakakatuwa lang. DIHBAAH? SO FUNNY KAYAAH!

pagdating ng tanghalian e kumain na kami dun sa may sheperd. haha! 35 pesos na isat kalahating kanin at kalahating order ng ulam. solb na. palamig konti sa sm at balik na ng skul. ayun, babalik nalang kami sa ibang araw at may schedule ang mga kailangan gawin.

eto ang eskwelahan namin.. :)










ngayon kung ganyan ang school mo, GANTOH KA BAH MAGSASALITUH??                                                       



1 comment:

  1. I-multiply mo 100 times ang ganyang hall at para ka na ring nasa UP.

    ReplyDelete