May 29, 2011

Taysan (kung ako ikaw)

noong may 14, nagpunta kami sa batangas ng tropa. kina jerel. kasi may bahay sila dun. parang tamang bakasyon lang. isang araw na hindi paghawak ng instrumento.

bali may 13, may gig pa kami sa MOB.. tapos pagkatapos ng gig e uwi. ligo. tapos alis na papunta kina je dahil dun ang meeting place. buti yung ibang tropa nakatulog pa kasi pagkatapos ng gig e hindi na sila tumambay. kami kumain pa nina aldrin, dadi mak, camille at bryan. haha!

pagdating ng 9am ay tinatawagan na ko ni rousel at sinasabing ako nalang daw ang kulang no obvious naman na nageexagerate at scripted dahil sa tono ng boses nya. pagdating ko dun, may mga tropa na nga pero hindi pa kumpleto.

siguro mga 12nn na ata kami nakaalis kasi nakatulog daw si bryan. haha! revo kasi nila yung sasabayan namin. yung ibang tropa nauna na. sa byahe na ko nakatulog, sa tabi ni aaron at ni dadi mak habang nagiingay sa likod sina jhay, japok, aldrin at jerel. pati pala si aaron nagiingay din. paputol putol tulog ko sa byahe, magigising sa biglaang pagkantahan ng tropa at ng biglaang tawanan. kaya hindi nalang ako natulog. haha!
pagdating ng slex hindi ko na kinaya antok. talagang pinilit ko na matulog. siguro nakaisang oras din ako. naalala ko pagpikit ko e puro kalsada at bukid ang nakikita ko, pagdilat ko e ganun padin, isang mahabang byahe sa slex. haha! nagising ako sa pressure sa tenga na dumidiin. malapit na pala kami nun, pero nasa slex padin kme. paggising ko e hawak ni aaron si momay at nagkakantahan ang tropa nung tugtog sa karakol pampatahan sa pagiyak ni momay. pati si dadi mak nagising at napapanaginipan na daw nya yung karakol.
haha!

siguro may mga isang oras pa at nakarating kami sa balagtas kung san nakipagkita na kina ben at sabay na papunta sa mismong bahay nina jerel. at pag dating dun ng mga alas kwatro ng hapon, yun na.. umaatikabong LAMON ang naganap. grabe rin naman ang dami at sarap ng pagkain nun. solb solb. pagkatapos kumain e lakad lakad dun sa ginagawang bahay nina je, upo upo, tatakutin si kito sa sisiw. (haha! NAMUTLA!), konting kwentuhan at dumeretso na sa resort.

pagabi nadin nung nakarating kami sa resort. hindi dahil malayo yun sa bahay nila. talagang napasarap lang kwentuhan pagkatapos kumain. pagdating dun, deretcho sa kubo, set up  ng kung ano ano, patugtog ng franco. alam ko yung ibang tropa dumeretcho dun sa may burol at nagluksong baka. maya maya lang e unti unti na naghuhubaran ang tropa at nagbibihis na ng pang ligo. naaalala ko nun na si rex, nakashort na pang ligo at palakad lakad lang sa gilid ng pool. iniisip pala nya kung magsha-shower o hinde. haha! yun na nga. swimingan na. pagdating ng mga alas syete ng gabi e, dumating sina tita at may dala ulit puds. dandame na naman. lintik na kanin at ulam parang hindi mauubos. naaalala ko nun na namumula si dadi mak sa sakit ng batok. hahaha! mya onti, swimming ulet, habulan ng bolang super effort si kamil gamit ang life vest na kinareer, konting anime role play sa pool nina japok at ang ibang tropa, kwento, yung iba nagiinom. at oo nga pala, walang ibang tao sa resort. hindi sya private pero kami kami lang ang andun kasama ang pamilya ni jerel. ayus!

at nag-anlaw na kami at naghanda para matulog. eto na, kanya kanyang pwesto kung san maging komportable na kubo. basta kami nina kuya jomar nun nasa may tulay na pwestuhan ng life guard. andun din si dadi mak, bryan, momay, yumi at aaron. maya maya e sumunod na din si ben. pinagkasya namin mga sarili namin na basta makalapat ang likod sa semento. para lang makatulog. mga 11 ng gabi to. konting kwentuhan hangang alauna at nakatulog na kami. hindi malalim ang tulog ko, madaling maalimpungatan at magigising sa tawa ni aldrin na umaalingawngaw sa buong resort, susundan pa ng `WOOP! MAK! nyahahaha!` dahil nakikita ata nya yung paa ni dadi mak na nakalawit sa tulay. andun din yung maingay na boses ni japok na akala mo may kaaway. nagkukwentuhan lang naman sila. naka dalawang oras lang ako ng tulog, alas tres e nagising na ko. dahil sa malahiganteng lamok na tumatambay sa tenga ko. pagbangon ko, bangon din si ben at kuya jomar. nakita namin si kito na pinagkakasya yung sarili sa 2 monoblock na upuan. pagbaba namin ng tulay e kailangan mo hanapin ang tropa sa ibat ibang kubo kasi nagkalat sila. haha! isa isa namin tiningnan ang mga kubo kung may gising pa. lahat bulagta, kanya kanyang pwesto bukod kina rex at jhay, si kito bumangon na din. pumunta kami dun sa isang kubo na wala masyado tao, si kamil at ben lang, si ben pagkabangon sa tulay dun pala dumerecho at dun sinubukan matulog, pagdating naman dun e kwentuhan lang ang nangyare, nagising pa si japok, edi mas maingay na. nagkakagulatan pa dahil na din sa nagkalat na tuko at palaka dun sa lugar. imbis na nakatulog, tawanan na nangyare. etong si rex kumuha pa ng tingting at nanttrip ng tropa. tapos tatawa ng sobrang sarap na wala ng tunog at mataas na tono ng hininga nalang ang lumalabas dahil si kito humahabol ng pala pababa ng slide para lang picturan nat geo style. ilang minuto pa na katatambay, bigla nalang narinig na nagstart yung van ni benedik at nagtakbuhan ang gising na tropa papunta sa van at nakitulog. 30 mins lang daw na aircon ang ipararamdam samin ni ben. yung buong 30 mins na yun ay puro katahimikan. pinipilit ng lahat matulog pero may mga hagikhikan padin. hindi maiwasan wag magtawanan. sisilip pa sa bintana si kevin. wala naman ginawa. sumilip lang, hindi naman kumatok o ano.. pgkatapos ng 30 mins na lamig, balikan na sa loob ng resort at ang huling choice kung san matutulog ay sa tabi na ng kiddie pool.

maya maya, nambulabog na ang humeheadbang na si rousel at photoshoot na daw ng method. habulin daw ang sunrise. eh sa sobrang kwalan ng tulog ng lahat e sobrang bagal kumilos at nung naging ready na ay sobra na ang liwanag. ahaha! tuloy padin naman ang shoot.. e ayun.. lakad sa kung saan saan, panik sa kung ano ano, hangang sa nagsimula na umambon at bumalik na kami sa resort.

pagdating sa resort ay hindi naman natuloy yung ulan, umambon lang ng konti tapos tirik na naman ang araw. si japok at kito sobrang antok nagpakabilad at nahiga dun sa tulay napinwestuhan namin kahit para silang isda na binibilad. habang kami, nageenjoy sa malamig na 3 in 1 coffee na may buo buo pa dahil sa kawalan ng mainit na tubig..hahaha! kwentuhan konti at balik na sa bahay nina jerel..

habang pabalik kami ay naligaw kami nina bryan at napunta s kung saan, at may BAKA. hahaha! may baka na umaamba ng suwag at ng sipa na nakaharang sa daan.. hindi kami makabalik kasi nga nakaharang. binugaw nalang ni dadi mak ng dahon ng niog kaya medyo natakot. haha! at pagdating kina je, nakain na buong tropa. syempre di kame papahuli dun. lamon kung lamon, habang yung iba parang pinipilit nalang ngumuya sa sobrang antok. pero syempre, kailangan mukang cool na cool padin kahit mainit, sayang ang shades. hahah! pababa lang ng kinain at naglakbay na kami pababa sa mahoganyhan nina jerel.. yung ibang tropa hindi na sumama at nagpahinga nalang dun sa bahay nina je. si jhay umuwi na at may set pa.

ung daan papunta sa kubo sa mahoganyhan e sakto lang, natural na gubat na hindi naman gaano kasukal, pero syempre may mga dala pading patpat kasi baka may isneyk/popoyahas (mga codename ni rex). pagdating sa kubo e kanya kanyang hubaran ng t-shirt at ubod nga ng ineeet! haha! yung iba hindi kinaya bumalik na dun sa bahay. pero kami fineel pa yung kakahuyan at picture picture syempre. pag napagod balik sa kubo, buburautin yung nagbabalat ng mangga na dapat para sa sarili nya, haha! e pano kasi iisa lang yung kutsilyo, naalala ko binubulabog ko si aidyn at vannessa tapos sasawsaw ako matinding sawsawan ni dadi mak. AW! lintik na lalo inet. hahah! pero kahit na kahit anung inet e, natulog talaga ako sa kubo na yon. parang biglang nawala ang mood ko dahil sa inet at pinilit ko nalang matulog. :D ginising na lang ako ni rex at papanik na daw sila at may pinapaliwanag pa pero hindi nagreregister sa utak ko, alam ko papanik na sila, yun lang.. e tumayo na din ako at sumabay na kami lahat papanik.

pagpanik sa bahay nina je...... KAINAN NA NAMAN. hahhaha! hindi talaga kami pinabayaan dun. pagkakain, trip trip ng kung ano ano, naalala ko katabi ko si aldrin at japok at tinatanong namin lahat ng babae kung POGI BA SI ALDRIN? hahah! syempre agree ang lahat. kung hindi baka ipakain sila sa abs ni aldrin. haha! si yuumi nung tinanong halatang hindi narinig yung tanong at umoo nalang. hahah! mejo malayo kasi kami sa kanila. tapos nun isa isa na naligo ang tropa, yung iba nagsabay.. XD ahem. tapos ayun nga.. ligo.. tas naghanda na pauwe, syempre picture. haha! nakasakay na ako, si kuya jomar, japok, aaron, aldrin at dadi mak kina brye at yumi. habang palabas kami ng barangay na yun e naaantok antok na ko.. dilat ako pero parang di ko na alam nangyayare, tumatawa nalang ako pag may nakakatawa, o makikinig nalang sa mga kwento, pero hindi na ko makapagreak. haha! nabuhay nalang diwa ko nung tumigil kami sa lomihan. sa TULO (tu-Lo. hindi too-lo.). nanlibre sina yuumi ng lomi.. ASTIIG! 50 lang daw pala yun isang order pero andami. sarap pa.. pagkatapos kumain dun e byahe na ulit, at unti unti na ko nawalan ng malay habang sila nagkekwentuhan pa.. sabi nga ni aldrin e nanginginig daw ako habang nakanguso at tulog. haha!

nagigising nalang ako pag may bumababa ng sasakyan. si aldrin bumaba sa aytaks. si dadi mak bumaba sa salitran. tas nung pagkadating namin kina je, andun pa ibang tropa. kumakain. nabalitaan ko nalang na nabangga pala sila. haha! pero gusto ko na umuwi. pinilit ko nalang makipag kwentuhan saglit. hahaha! tapos yun, sabay sabay kami umuwi ni kandida at kebin dala ang mga mangga.

pagdating ko samin, inabot ko agad yung isang plastic ng  mangga na dala ko sa nanay ko. kinuha nya at tiningnan. at inilagay sa isang basket na puno ng mangga. kaya pala tiningnan lang. napatanong nalang ako ng SAN GALING YAN!?. may mga nagbigay daw. haha! eh ayun.. derederecho ko sa taas at pag higa ko, parang nawala lahat ng bigat ng katawan ko kahit alam kong mabigat ako. derederecho na tulog ko nun. AYOOOS! isang solb na solb na bakasyon! salamat kina jerel at sa kanyang pamilya, kuya joms, dadi mak, aldrin, aaron, japok, kamil, rex, jhay, tan, vanessa, aidyn, ben, tokits, rasel, maan, bryan, yuumi, kevin, kendi... at angge (na sumunod kahit papano).

KELAN ULET?

No comments:

Post a Comment