May 27, 2011

simula

sinipag ako gumawa ulit ng blog dahil kay jerl (bisitahin nyo blog nya! kapatidkosibatman.blogspot.com).

siguro nga masaya itry ulit magkwento sa sarili ko.

o simulan natin ngayong araw.

late na ko nagising. mga 4pm siguro kasi 6am nako natulog. pero syempre gumising padin ako ng 8am para sa yelo. kailangan ko tumulong e. kundi, yare! pagkatapos nun tulog ulet.

wala naman major activities ngayon, nagpractice lang kami ng Thou.G at Novelcast para sa gig sa May 28 sa ririko sa las pinas.
Sana may mahiraman kami ng cymbals kasi tunog hika na yung crash at ride dun. kawawa naman kami, hindi naman kami sikat para panuorin kahit pangit ang tunog. haha!

papunta dun gamit namin yung multicab ni Bry. pauwi kay Ben na ko sumakay kasi baka umulan. ahaha! kasama ko si aldrin at patrick sa sasakyan ni ben. tapos syempre derecho kina jerel. tambay, gitarahan. May nabuo si brye na kanta na nasa F, mukang magiging maganda. andun sina kuya joms, jerel, patrick, kito at aldrin. si kevin at ben umalis na.

tapos ayun, sinubukan ko magmagaling sa isang laptop na sira kina je, kaso hindi ko rin naisipan ng solusyon. haha! namis ko lang yung gnagawa ko sa teletech nun kaya sinubukan ko.
pagkatapos ng ilang minuto e tinext na ko na umuwi at magoonline daw ang ate ko na hangang ngayon ay hinihintay ko pa din. wala naman. haha!

sa sobrang kaboringan, naisip ko gumawa ng blog at eto na nga. :)



2 comments: